Dahil ngayon ay buwan ng wika - "Ng" laban sa "Nang"
NG VS. NANG - Kala ko dati ang nalilito lang dito mga grade schoolers at lahat ng mga estudyante sa mga coniotic na eskwelahan, pero nagkamali ako: hanggang sa mga newsroom may sumasabit pa rin dito. Sa TV, walang pakialam ang mga tamad kung "ng" o "nang" dahil pareho lang naman ang tunog. Karamihan din sa kanila, wala ring pakialam kasi nga "Tagalog lang naman 'yan eh." Mas nahihiya pa sila kung pumapalya sila sa diction sa Ingles, sa short 'e' vs. long 'e,' pag ang pronounciation nila sa "bitter " ay "beee-ter" imbes na "bi-tur." Sila rin yung tipong kinokorek agad ang sarili pag ang "winner" ay nabanggit nilang "weee-ner" (parang sausage lang, no). Mga hayup kayo - galangin niyo naman nang konti ang wikang bumubuhay sa inyo at nakakabili pa kayo ng iPad at mga libro ni Stephenie Meyer.Mabalik tayo sa isyu. Mahirap ba? Hindi naman dapat eh. Pag may elemento ng pag-aari, ng dapat. Example: "Si Kris ang kahihiyan ng mga Aquino." "Ang kapal ng mukha ni Mikey Arroyong kumatawan sa mga sikyu at pedicab drivers." "Salot ng lipunan." "Mga anak kayo ng puta!" Sinusundan din nito ang mga salitang "tulad," "gaya," at "lahat."
Ang nang? Ilang bagay lang ang dapat tandaan:
Pag tinutukoy ay panahon o araw, kapalit ng salitang "noon." ("Tanghali nang manumpa si P-Noy sa Quirino Grandstand." "Gabi nang sumugod ang mga jologs sa The Establishment."). Pareho ng "upang" at "para." E.g. ("Kelangan kong magsikap sa trabaho nang yumaman ako tulad ni Willie Revillame." "Maligo at mag-diet ka araw-araw nang hindi ka tumandang malungkot, mataba, pangit, at amoy-pusa." "Kelangang mag-relax ni Noynoy nang hindi maubos ang buhok niya.") Kombinasyon ng "na" at "ang" ("Grabe nang katakawan ang ipinakita niya nung sinadya pa niya yung buffet sa Cagayan." "Sobra nang nakakatakot ang mga labi ni Gretchen Barretto."). Indikasyon ng paraan o sukat. ("Pag nakita ko yang bruhang 'yan, sasampalin ko siya nang bonggang bongga." "Tatadyakan ko siya nang patalikod.") O kaya'y pag may umuulit ("Paliguan mo man siya nang paliguan, hindi pa rin siya gaganda.")